Kristina Knott pamalit kay Lydia De Vega
Russell Cadayona (Pang-masa) - March 9, 2019 - 12:00am

ILAGAN CITY, Isabela, Philippines –Siya na marahil ang sinasabing susunod sa mga yapak ni Philippine athletics legend Ly-dia De Vega.

Matapos magreyna sa women’s 100-meter sa bilis na 11.64 segundo ay bumandera naman si Fil-American Kristina Knott sa 100m dash sa tiyempong 23.63 segundo sa pagtiklop ng 2019 Ayala Philippine Athletics Championships kahapon dito sa Isabela Sports Complex.

Humugot din si Knott, ang ina ay tubong Cavite, ng gintong medalya sa 4x100m relay (45.62) at 4x400m relay (3:55.20) kasama ang kambal na sina Kyla at Kayla Richardson, Zion Rose Nelson at Robyn Brown.

Hawak pa rin ni De Vega, nagretiro noong 1994 at ngayon ay 54-anyos, ang Philippine at Southeast Asian Games records na 11.28 segundo sa 100m, habang may 23.35 segundo sa 200m.

“No offense but they’ve been up too long, so it’s time for some fresh meat to get the records,” wika ng University of Miami graduate sa mga marka ni De Vega.

Itinakbo naman ni Fil-Am trackstar Eric Cray ang kanyang ikalawang gold medal nang bumandera sa men’s 200-meter run sa bilis na 21.92 segundo para talunin sina Mohammad Irfan Daud (22.59) at Yann Guang Tan (22.88) ng Singapore Sports School.

“It was alright consi-dering all the conditions,” sabi ng 30-anyos na si Cray. “I’m not too upset. It was always a buildup for the SEA Games.”

 Sa juniors’ division, apat na ginto rin ang inangkin ng 15-anyos na si Charmaine De Ocampo ng Dasmariñas City Athletics.

“Hindi ko po expected na mananalo ako ng four golds kasi kinatatakutan ko talaga si Tara (Borlain) sa 800m,” sabi ng Grade 9 student ng Paliparan National High School. “Masayang-masaya po ako.”

Nagwagi si De Ocampo sa girls’ 800m (2:20.91), 1,500m (5:09.98), 4:04.40) at nakasama sa 4x100m relay (50.47) at sa 4x400m relay (4:04.40) teams.

Sumikwat naman ng ginto sa kanilang mga events sina Harry Diones (16.08m) sa men’s triple jump, Mervin Guarte (3:58.20) sa men’s 1,500m run, EJ Obiena (5.36m) sa men’s pole vault, Sarah Dequinan (4514 points) sa women’s heptathlon at Ma. Elizabeth Capioso (1:04:27.23) sa women’s 10,000m walk.

KRISTINA KNOTT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with