^

PM Sports

Lady Spikers sosyo sa No. 1

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabilis na napabagsak ng nagdedepensang De La Salle University ang Adamson University, 25-16, 25-21, 25-20, para sumalo sa liderato sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

 

Nasandalan ng Lady Spikers si playmaker Michelle Cobb na may matikas na 25 excellent sets kasama ang tatlong digs para tulungan ang kanyang mga attackers na makalikom ng puntos.

Patikular na nakinabang sa magandang setting ni Cobb si rookie opposite spiker Jolina Dela Cruz na umiskor ng 10 hits ngunit nakagawa rin ng importanteng puntos sina skipper Desiree Cheng at outside spiker May Luna.

“Siguro I fully trusted on my spikers that they will finish the play. I think ‘yung composure ko, ‘yun ang nakatulong sa akin para makagawa ng plays. We have to keep going, move forward. Yung errors kailangan naming tutukan para hindi mawala ‘yung momentum,” wika ni Cobb.

Umabante ang La Salle sa 2-0 baraha para samahan sa tuktok ang University of the Philippines.

Lumasap ng ikalawang sunod na kabiguan ang Lady Falcons para malugmok sa ilalim ng standings.

Sa unang laro, sinakmal ng National University ang 25-19, 25-23, 25-19 panalo laban sa University of the East para sumampa sa win column tangan ang 1-1 rekord.

Mainit ang palad ni rookie Ivy Lacsina na nag-latag ng 18 puntos tampok ang 14 attacks at tatlong blocks.

Sa men’s division, nanaig ang Adamson sa La Salle, 25-21, 23-25, 25-19, 25-17 para makisalo sa No. 1 spot sa Far Eastern University hawak ang magkatulad na 2-0 karta.

Wagi rin ang reigning champion NU sa UE, 25-13, 25-18, 25-18, upang umangat naman sa 1-1.

May 1-1 na rin ang Red Warriors natalo sa ikalawang sunod ang Green Spikers (0-2).

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with