NS-NU Bullpups asam ang korona
(Pang-masa) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pipilitin ng Nazareth School-National University Bullpups na tuluyan nang angkinin ang korona kontra sa nagdedepensang Ateneo De Manila University Blue Eaglets sa Game Two ng UAAP Juniors Finals.

 

Magtutuos ang Bullpups at Blue Eaglets nga-yong alas-3 ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

 

Bumangon ang Bullpups mula sa pagkakaiwan sa first half matapos magpasabog ng 28 points kumpara sa 15 markers ng Blue Eaglets sa third quarter sa likod nina big men Carl Tamayo at Ke-vin Quiambao, sinabayan sina Kai Sotto at Geo Chiu para kunin ang 70-58 panalo.

Sinandalan din ng NU sina Terrence Fortea at Gerry Abadiano para ilista ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-three championship series.

Tumapos naman si Sotto na may 16 points at 15 rebounds habang nagdagdag ng 8 markers ang bagitong point guard na si Forthsky Padrigao.

Mapapanood ang bakbakan nang Live sa S+A, S+A HD, LIGA, LIGA HD na may kasamang livestream sa sports.abs-cbn.com at iWant.

UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with