LeBron kayang abutan si Jordan
(Pang-masa) - February 22, 2019 - 12:00am

LOS ANGELES -- Malaki ang tsansa ni Lakers’ superstar LeBron James na mau-ngusan si NBA great Michael Jordan sa scoring.

 

Habang mainit ang debate tungkol sa kung sino ang pinakamahusay na player ay mas makakapagtala naman si James ng mas mara-ming puntos kaysa kay Jordan.

 

Kailangan na lamang ng 33-anyos na si James na magtala ng 211 points para lampasan si Jordan (32,292) at agawin ang No. 4 spot sa NBA history.

Ang No. 1 ay si Kareem Abdul-Jabbar (38,392) kasunod sina No. 2 Karl Malone (36,928) at No. 3 Kobe Bryant (33,643).

Kamakailan ay pinabulaanan ni Lakers’ head coach Luke Walton na may nangyaya-ring sigalot sa kanila ni James.

Naniniwala si Walton na si James ang mag-aakay sa Los Angeles sa NBA Playoffs.

Magtatapos ang season na may pinakama-laking scoring average na inaasahang papabor kay James.

Ang mga koponan ay nagtatala ng ave-rage na 110.7 points at 100 possessions per game ngayong season na pinakamagandang scoring number sapul noong 1984-85 (110.8 points per game) at ang pinakamabilis simula noong 1988-89 (100.6 possessions per game).

LEBRON JAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with