Eala, Quizon napiling Milo Jr. Athletes
Eala, Quizon napiling Milo Jr. Athletes
(Pang-masa) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napili ang dalawang protégés sa tennis at chess bilang Milo Junior Male at Female Athlete of the Year para sa darating na SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

 

Sina netter Alexandra Eala at chess player Daniel Quizon ang pina-kabagong gagawaran ng nasabing award na ibinibigay ng Milo katuwang ang pinakamatandang media organization.

 

Nakakuha ang 13-anyos na si Eala, da-ting nag-aaral sa Colegio de San Agustin, ng full-time scholarship sa Rafael Nadal Academy sa Spain kung saan niya itutuloy ang kanyang eight-grade studies.

Noong nakaraang taon ay nagreyna siya sa Les Petits As sa France para makapagbulsa ng wildcard entry sa Roland Garros Junior French Championships.

Nakamit naman ng 14-anyos na si Quizon ng Dasmariñas, Cavite ang International Master title matapos magwagi sa Eastern Asian Juniors Open Championships sa South Korea.

Bagama’t puma-ngalawa lamang siya sa kababayang si John Marvin Miciano sa Asian Youth Championships sa Chiang Mai, Thailand ay gumawa naman si Quizon ng ingay sa torneo matapos talunin si top seed Tran Tuan Minh ng Vietnam sa second round.

Sapat na ang naturang mga tagumpay nina Eala at Quizon para kilalanin ng PSA.

Bilang Milo Junior Male at Female Athletes of the Year, sina Eala at Quizon ay tatanggap ng Milo product sa buong taon.

Samantala, tatanggapin naman ang PSA President’s Awardee  na National University Lady Bulldogs ng kauna-una-hang ‘Milo Nutri Up ‘Up Your Galing Recognition’ sa Feb. 26 event na inihahandog ng Milo, Philippine Sports Commission at Cignal TV.

Sinakmal ng Lady Bulldogs ang kanilang pang-limang sunod na UAAP women’s basketball championship at dahil dito ay tatanggap ang koponan ng isang buwang supply ng Milo Nutri Up for adults.

“Para sa career at passion na kina-career, kailangan may Adult Level Energy para kayanin mo. Try Milo Nutri Up, the Milo for adults. May adult level calcium, protein, and B-vitamins to give you Adult Level Energy to #UpYourGaling.”

Sasama sina Eala at Quizon sa 73 pang personalidad sa honor roll list na pamumunuan nina co-Athlete of the Year winners Hidilyn Diaz, Margielyn Didal at golfers Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go.

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with