Ethics committee bubuhayin ng PBA
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - February 22, 2019 - 12:00am

DOHA – Pagbalik sa Pilipinas, nakatakda ang pagpupulong ng PBA board of governors kung saan ia-activate nila ang Ethics Committee.

 

Gigisingin ang Ethics Committee dahil nais ni PBA board chairman Ricky Vargas na tingnan nito ang mga naging remarks ni Alaska Milk top boss Wilfred Uytengsu at kung dapat ba siyang bigyan ng disciplinary action.

 

Paulit-ulit si Uytengsu sa pagkuwestiyon sa integridad ng liga at ng ibang PBA teams. Nag-aangat siya ng alegasyon ukol sa questionable trades, violations sa salary cap rule at kung anu-ano pa.

Nababagabag si PBA chair dahil walang itinataas na ganitong bagay si Uytengsu sa loob ng PBA board, kung saan puwede siyang maglagak ng pormal na protesta at maglatag ng karampatang ebidensya.

Nais ng board ngayon na buhayin ang Ethics Committee at imbitahan si Uytengsu na pag-usapan nila kung ano ang problema.

Ang kuwestiyon ay kung sisipot si Uytengsu.

Si Dickie Bachmann ang kasalukuyang board representative ng Alaska Milk at siya rin ang kasalukuyang vice chairman ng PBA board.

***

Ang sigurado naman na nagbigay kaba kay PBA commissioner Willie Marcial ay ang balitang rambulan sa nakaraang tuneup match sa pagitan ng NorthPort at Columbian Dyip.

Nagkapalitan daw ng mga suntok sina JayR Reyes at Stanley Pringle at pumasok din sa eksena si Moala Tautuaa.

Ang siste ay nagsampa ata, o magsasampa ng demanda ang kampo ni Reyes. Pag-uwi sa Pinas ay kailangan agad ni Kume na mag-imbestiga ng pangyayari at gumawa ng nararapat ng aksyon.

Masalimuot ang bagay na ito dahil sa tuneup game nangyari. Ang tanong ay kung mayroong vi-deo na makakapagpatunay sa mga bagay na dapat na tingnan ni Kume.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with