^

PM Sports

Win. No. 2 target ng Petron, F2

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ikalawang panalo ang parehong tatargetin ng Petron at F2 Logistics sa pagharap sa magkahiwalay na laban sa pagpapatu-loy ng Philippine Superliga Grand Prix ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

 

Makakasagupa ng Blaze Spikers ang Generika-Ayala sa alas-7 ng gabi habang sasalang ang Cargo Movers laban sa Sta. Lucia sa alas-4:15 ng hapon.

 

Papalo rin ang bakbakan ng PLDT Home Fibr at Cignal sa alas-2 ng hapon.

Magarbo ang simula ng Petron nang pakainin nito ng alikabok ang PLDT sa pamamagitan ng 29-19, 25-9, 25-10 demolisyon.

Inilabas agad nina American imports Stephanie Niemer at Katherine Bell ang bangis nila para pamunuan ang magarbong simula ng Blaze Spikers.

Nagrehistro ng pinagsamang 29 puntos sina Niemer at Bell habang naglista si middle hitter Mika Reyes ng pitong puntos at tig-anim naman sina Aiza Maizo-Pontillas at Remy Palma.

Sa kabila ng magandang panalo, may mga kailangan pang plantsahin upang magtuluy-tuloy ang magandang ratsada.

Isa sa mga tututukan ng Blaze Spikers ang receptions para makagawa ng mas solidong plays.

“I think our passing can always improve and be consistent a little bit more. I’m pretty excited how far we’ll grow up,” ani Niemer.

Sa kabilang banda, reresbak ang Generika-Ayala matapos lumasap ng 21-25, 25-22, 23-25, 25-16, 14-16 upset loss sa Sta. Lucia sa kanilang unang laro.

Posibleng hindi makalaro si Nikole del Rio na nagtamo ng injury sa naturang laban kaya kailangan ng local players na muling mag-step up upang tulungan si Kseniya Kocyigit.

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with