^

PM Sports

PBA board tiwala sa Team Pilipinas

Andrew Dimasalang - Philstar.com
PBA board tiwala sa Team Pilipinas
Si naturalized center Andray Blatche sa isang ensayo ng Team Pilipinas.

MANILA, Philippines — Bilang pagpapatunay ng solidong suporta sa Team Pilipinas, lumipad ang buong delegasyon ng PBA Board kahapon patungo sa Doha, Qatar para sa sixth at final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Pinangunahan nina PBA Commissioner Willie Mar­cial, PBA chairman Ricky Vargas at Samahang Bas­ketbol ng Pilipinas president Al Panlilio ang PBA Board na ipapakita ang kanilang morale support para sa kampanya ng Nationals kontra sa Qatar at Ka­zakhs­tan sa Pebrero 21 at 24, ayon sa pagkakasunod.

Lahat ng 12 miyembro ng PBA Board maliban kay Magnolia governor Rene Pardo ay kasama sa na­turang biyahe.

“I have talked to coach Yeng Guiao and Andray Blatche separately. They know the task at hand for us. For us to control our destiny, we have to win these two games,” sabi ni Panlilio na nagsisilbi ring governor ng TNT Katropa.

Umaasa ang PBA Board na susuporta rin ang mga Pinoy sa Middle East upang masabayan ang inaasahang malaking homecrowd ng Qatar sa Al-Gharafa Sports Multi-Club Purpose Hall sa Doha.

“Hopefully, the Filipinos in Qatar would show up and make it like a home court for us,” wika ni Panli­lio. “I hope everybody’s praying, supporting and following the team.”

Samantala, nagkaproblema ang Team Pilipinas sa kasagsagan ng kanilang pagsasanay bunsod ng ankle sprain injury ni big man na si Raymond Almazan.

Posibleng hindi muna makalaro si Almazan kontra sa Qatar na siyang magbibigay daan sa kumpletong pinal na 12-man line-up ni Guiao mula sa kanyang 14-man pool.

Kung hindi gagaling si Almazan sa takdang oras ay posibleng makapasok sa koponan si Thirdy Rave­na mula sa Ateneo Blue Eagles na siyang pinakaba­tang miyembro ng elite national team pool.

Sasamahan siya nina Jayson Castro, Scottie Thompson, Paul Lee, Mark Barroca, Marcio Lassiter, Gabe Norwood, Troy Rosario, Japeth Aguilar, John Paul Erram at June Mar Fajardo.

Inaasahang ipopormalisa ng SBP at ni Guiao ang final roster isang araw bago ang laban nila kontra sa Qatar sa Biyernes ng madaling araw.

Hawak ang 5-5 kartada para sa ikaapat na puwesto ng Group F sa likod ng Australia (9-1), Iran (7-3) at Japan (6-4), kailangang maipanalo ng Team Pi­lipinas ang la­ban kontra sa Qatar at Kazakhstan dahil tatlo la­mang ang papasok sa FIBA World Cup na nakatakda sa China sa Agosto.

vuukle comment

ANDRAY BLATCHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with