^

PM Sports

UST pinakitaan ang Batangas

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nilapa ng University of Santo Tomas ang Batangas — Emilio Aguinaldo College, 94-70 para sa maugong na simula ng kampanya nito sa kabubukas lamang na 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League kahapon sa Paco Arena sa Maynila.

Nanguna para sa Growling Tigers ang bago nitong manlalaro na si Soulemane Chabi Yo mula sa Republic of Benin nagpasiklab agad sa double-double na 19 puntos at 11 rebounds sahog pa ang dalawang supalpal.

Sumalang din sa kanyang unang laro, hindi naman nagpahuli ang Pangasinense forward na si Rhanz Abando na nagtala ng 17 puntos at siyan na rebounds gayundin ang transferee mula La Salle na si Brent Paraiso na may kumpletong walong puntos, anim na rebounds at limang asssist.

Sa likod ng mga naturang manlalaro, kumaripas agad ang UST sa 10-0 na simula kontra sa nagulantang na Generals.

Hindi na muling lumingon pa ang España-based squad buhat noon hanggang sa lumamang pa ng 33 puntos, 75-42 sa third quarter tungo sa unang tagum-pay nila sa makasaysayang 20-team D-League tourney.

“Masaya kami kasi nakapaglaro agad ng maayos yung mga bago. Nakapag-adjust sila agad,” ani head coach Aldin Ayo.

“Unang liga namin ito na big league. Masaya naman ako na hindi kami masyadong tight and nailabas nila yung laro nila. Yun lang naman, gusto lang namin na mailabas yung pineprepare namin.”

Bukod sa ilang bagito, pinarada rin ni Ayo ang UST high school standout na si Mark Nonoy na tumikada ng 15 puntos at limang rebounds para sa magandang seniors debut. 

vuukle comment

PINAKITAAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with