^

PM Sports

Cheer sa Iran kontra sa Japan

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Bago ang laban ng Gilas Pilipinas kontra sa Qatar sa Doha sa Biyernes, nasa Tehran ang Team Japan kalaban ang host team Iran.

Mas nanaisin ng Team Phl na manalo ang Iran at humugot na ng ticket sa FIBA World Cup dahil magiging dahilan iyon ng pagbaba ng Japan sa kartadang 6-5. At kung tatalunin ng Gilas ang Qatar, muling magiging tabla sa third place ang Nationals at ang mga Hapon sa kanilang grupo.

Pagkatapos ay kakailanganin ng parehong koponan na ipanalo ang kanilang huling laro upang magkaroon ng pag-asa na makausad sa World Cup proper. Kalaban ng Team Phl ang Kazakhstan sa Astana samantalang haharapin ng Japan ang Qatar sa Doha.

Kung matapos na tabla ang dalawa sa third place, awtomatikong pasok ang Gilas dahil sa win-over-the-other rule. Maaalalang winalis ng mga Pinoy ang mga Hapon sa kanilang home-and-away series.

Kung parehong umiskor ng sweep sa final window, mananatili sa fourth place ang Team Phl. At aasa silang makakuha ng mas magandang kartada kaysa sa fourth placer sa kabilang grupo upang makahugot ng WC backdoor entry.

Ang magandang balita ay balik sa Team Iran ang kanilang dalawang pambato na si Hamed Haddadi at Nikhhah Bahrami dahil nais nila ng malakas na tapos sa FIBAWC qualifier kung saan lalaruin nila ang kanilang huling dalawang laro sa harap ng home fans sa Azady Gym sa Iranian capital.

Huling assignment nila ang Australia sa Linggo.

***

Malamang na magmukhang homecourt ng Gilas ang Al-Gharafa Sports Club sa kanilang laban kontra sa host team Qatar dahil inaasahan ang dagsa ng ma-laking Filipino community doon.

Kasama rin sa susuporta sa Gilas ang mga big bosses sa PBA, kasama si Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio na palipad patungong Doha ngayong araw. Kasama rin sa delegasyon si PBA chair at POC president Ricky Vargas at PBA commissioner Willie Marcial.

vuukle comment

JAPAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with