Colts vs Fillies sa PHILRACOM 3YO race
Colts vs Fillies sa PHILRACOM 3YO race
(Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ilalarga sa Linggo ang 2019 PHILRACOM “3-Year-Old Local Fillies & Colts” na gaganapin sa Metro Turf Club Inc. sa Malvar, Batangas.

Ito ang unang karera sa mga minor races na ilalarga.

Anim ang nominado kung saan 52 kgs. ang magiging timbang na dadal­hin ng Fillies habang 54 kgs. ang sa Colts.

Ang mga nominado sa nasabing karera ay sina Cat’s Day, Lakan Takhan, My Jopay, Serafina, Toy For The Bigboy at Turns Gold.

Gayunpaman, hindi pa sigurado na lahat sila ay kasali at  posibleng may hindi makakatakbo paglabas ng opisyal na programa ng karera.

Nakataya ang P300, 000 premyo sa unang kabayong tatawid ng meta. May P112,500 naman ang second placer habang ibubulsa ng tersero at pang-apat ang P62,500 at P25,000 ayon sa pagkakasunod.

Sa distansyang 1,400 meter ilalarga ang karera at inaasahang magandang laban ang masisilayan ng mga karerista.

PHILRACOM 3YO RACE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with