^

PM Sports

Caloocan pasok sa playoffs

Pang-masa

BACOOR, Philippines — Makakatuntong ang Caloocan Supremos, ang koponang pinakamasama ang tinapos noong inaugural season, sa MPBL Datu Cup playoffs sa pagkakataong ito.

Sa pangunguna ni Almond Vosotros, impresibong laro ni Cedric Labing-isa at double-double effort nina Rene Pacquiao, pinsan ni Manny Pacquiao at Mark Sarangay, hinatak ng Supremos ang 79-72 upset win kontra sa pinapaborang Muntinlupa Cagers noong Sabado ng gabi sa Strike Gymnasium.

Ipinasok ni dating Gilas Cadet stalwart Vosotros ang 10 sa kanyang 17 points sa fourth period upang manatiling palaban ang Long-rich-backed Supremos, tinapos ang kanilang elimination round campaign ng 11-14 record sa Northern division ng tournament na ito na itinayo ni Sen. Pacquiao kasama si PBA legend at former PBA-MVP Kenneth Duremdes bilang commissioner.

Sa pangunguna ni Vosotros, pinakawalan ng Supremos ang 10-2 spurt sa endgame na tinuldukan ng inside bucket ni Sarangay na nagbigay sa Caloocan ng 78-69 pangunguna papasok sa huling 3-segundo ng laro tungo sa kanilang tagumpay.

Samantala, papagitna ang mga pinakamahuhusay na players mula sa North at South ng MPBL kauna-unahang All-Star Game sa March 2 sa Mall of Asia Arena.

Limang events ang nakalatag na kinabibilangan ng Three-Point Shootout, Slam Dunk contest, 2-Ball competition, Executive Match at ang center piece na North versus South All-Star game, ang idaraos.

Magko-coach ng North All-Star si Jojo Lastimosa ng Bataan Risers-Zetapro habang ang South team ay mamanduhan ni Don Dulay ng Davao Occidental Tigers-Cocolife. Ang dalawang coaches ay aasistehan ng mga coach ng team na tatapos bilang No. 2 sa pagsasara ng elimination round.

Namumurong maging assistant coach sina Philip Cezar ng Manila, Cholo Villanueva ng Makati at Randy Alcantara ng San Juan mula sa North side at sina Jack Azcueta ng Muntinlupa, Ramon Pido ng General Santos City, Mac Tan ng Batangas City Athletics mula sa Southern.   

Nagsimula nang bumoto ang mga fans para sa North and South starters at sa ngayon ay nangunguna sina Allan Mangahas ng Muntinlupa Cagers at Mark Yee ng Davao Occ. Tigers para sa South All-Stars habang sina Aris Dionisio ng Manila, Gary David ng Bataan at JR Taganas ng Bulacan ang top vote getters sa North squad.

vuukle comment

PLAYOFFS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with