4 na teams pa sasalang sa D-League
4 na teams pa sasalang sa D-League
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat pang koponan ang sasalang ulit ngayon sa ikalawang playdate ng umaatikabong 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League sa Paco Arena sa Maynila.

Unang magbabanggaan ang University of Santo Tomas at Batangas-Emilio Aguinaldo College sa alas-2 ng hapon.

Susundan ito ng bakbakang SMDC—National University at Chadao – Far Eastern University sa main game sa alas-4 ng hapon.

Lalaro para sa Tigers sa unang pagkakataon ang transferee mula sa  La Salle na si Brent Paraiso gayundin ang high school sensation mula sa UST high school program na si Mark Nonoy.

Makakasama nila sa España-based squad ang mga beteranong sina Renzo Subido at Marvin Lee para sa koponan ni head coach Aldin Ayo na sasalang din sa unang pagkakataon sa Developmental League ranks.

Balik head coaching position naman si Oliver Bunyi para sa Batangas upang palitan ang dating chief tactician at ngayon ay assistant coach na si Ariel Sison.

Gigiyahan ng mga batikang manlalaro sina Cedric De Joya at Earvin Mendoza ang Generals kasama sina JP Maguiliano at Renzo Tampoc.

Sa labanan ng parehong UAAP teams naman, ipaparada ng Bulldogs ang bagong dynamic duo nito na binubuo nina Dave Ildefonso at John Lloyd Clemente na dating mga high school stars.

Tatrangkuhan ng Senegalese big man na si Issa Gaye ang ilalim ng Sampaloc-based dribblers kasama ang high-flyer na si Daniel Chatman at dati ring high school stars ng NU na sina Miguel Oczon at Robert Minerva.

Ipaparada naman ng FEU ang pina-kabago nitong sentro na si Cameroonian Patrick Tchuenta na pinalitan ang long-time reinforcement na si Prince Orizu na nagtapos na sa UAAP playing career nitong Season 81.

Inaasahan ni Racela ang malaking tulong ni Tchuente sa koponan ng Ta-maraws na maglalaro nang wala ang mga beteranong sina Jojo Trinidad, Arvin Tolentino at Jasper Parker.

Sa kabutihang palad, solido pa rin ang core ng Morayta-based school sa pangunguna nina Wendell Comboy, Ken Tuffin, Barkley Ebona at Hubert Cani.

 

D-LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with