PSA President’s award sa NU Lady Bulldogs
PSA President’s award sa NU Lady Bulldogs
(Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagtakda ang National University Lady Bulldogs ng bagong standard noong nakaraang taon matapos manalo ng 80 sunod na laro tungo sa kanilang matagumpay na pagtatanggol ng titulo sa UAAP women’s basketball crown.

Sa ilalim ni coach Pat Aquino at sa pangunguna ni Finals MVP at national team player Jack Animam, nagtala ng bagong kasaysayan ang Jhocson-based school sa pagtatala ng bagong streak para sa kanilang ikalimang sunod na titulo nitong Season 81 ng liga.

Ito ang ikalimang taon na ‘di natalo ang NU at sinira rin nila ang longest winning streak sa lahat ng sport sa UAAP history na dating hawak ng Adamson women’s softball team na may 73-sunod na panalo.

Sina Ria Nabalan at Jhianne Layug ang tanging mga players na  bahagi ng limang teams ng Lady  Bulldogs na nanalo.

Dahil sa tagumpay na ito ng Lady Bulldogs, gagawaran sila ng President’s Award sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Manila Hotel sa susunod na linggo.

Ang event na ito ay handog ng Milo, ang Phi-lippine Sports Commission (PSC) at Cignal TV ay gaganapin sa Feb. 26.

“Theirs is an inspiring story of what individual talent coupled with the right chemistry can do. The National University Lady Bulldogs certainly deserve this accolade, which comes at a time when the PSA also recognizes five young ladies as its co-winners of the Athlete of the Year award,” sabi ni PSA president Eduardo ‘Dodo’ Catacutan of SPIN.ph.

Makakahanay ng Lady Bulldogs ang mga naunang tumanggap ng President’s Award tulad nina Manny V. Pangilinan, Gilas Pilipinas 3.0, Ateneo Blue Eagles, ang kapwa nila National University Bulldogs, pool champions Rubilen Amit, Dennis Orcollo at Lee Van Corteza at iba pa.

Sina Hidilyn Diaz, Margielyn Didal at golfers Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go ang paparangalan bilang athletes of the year ng pinakamatandang organisasyon ng bansa sa gala night na suportado ng Philippine Basketball Association, Mighty Sports, ICTSI, SM Prime Holdings, Tapa King, Rain or Shine, NorthPort at Chooks To Go.

Kabuuang 75 awardees ang nasa honor roll list na kinabibilangan ng Lifetime Achievement Award, National Sports Association of the Year, Executive of the Year, Special Awards (Mighty Sports Mr. Basketball, Mr. and Ms. Volleyball, at Mr Football), Major Awards, Citations, Tony Siddayao Awards, Special Recognition, Posthumous, Milo Junior Athletes of the Year at Mr. Fan Favorite ‘Manok ng Bayan’ Award.

 

NU LADY BULLDOGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with