Pacquiao-Mayweather 2 mukhang malabo na
Chris Co (Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mukhang mauudlot na naman ang inaaba-ngang rematch sa pagitan nina eight-division world champion Manny Pacquiao at undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr.

Ito ay matapos isiwalat ni Mayweather na lalaban ito sa Hulyo sa Japan kontra sa dating Japanese boxer sa isang exhibition match na aabot lamang sa tatlong rounds.

“I have another exhibition in Japan in July (against) a former Japanese boxer for $10 million for three rounds. It’s al about being smart. My faculties are very important,” ayon sa panayam na TMZ Sports.

Kung matutuloy, ito ang ikalawang exhibition match ni Mayweather sa Japan.

Magugunitang kumita ito ng $9 milyon nang payukuin nito si Japanese mixed martial artist Tenshi Nasukawa noong Disyembre 31.

Kaya naman posibleng burado muna ang pa-ngalan ni Mayweather sa listahan ng Team Pacquiao para sa susunod na laban nito.

Nakalinya na ang mga pangalan ng mga posi-bleng makasagupa ni Pacquiao sa oras na ipagtanggol nito ang kanyang World Boxing Association (WBA) regular welterweight title.

Pinakamatunog ang pangalan ni WBA super welterweight belt Keith Thurman na galing sa majority decision win kay Josesito Lopez noong Ene-ro 26 sa Barclays Center sa New York City.

Maugong din ang pangalan nina World Boxing Council (WBC) welterweight champion Shawn Porter, International Boxing Federation titlist Errol Spence at Danny Garcia na pare-parehong sasalang sa kani-kanyang laban sa mga susunod na buwan.

Ipagtatanggol ni Porter ang titulo nito sa Marso 9 laban kay Yordenis Ugas ng Cuba sa Dignity Health Sports Park sa Carson California habang itataya rin ni Spence ang korona nito kontra naman kay  Mikey Garcia sa Marso 16 sa AT&T Stadium sa Arlington, Texas.

Nakatakda namang sagupain ni Danny si Adrian Granados sa Abril 20.

Mabangung-mabango ulit ang pangalan ni Pacquiao na matagumpay na naipagtanggol ang WBA crown laban kay American pug Adrien Broner noong Enero sa pamamagitan ng unanimous decision win sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

PACQUIAO-MAYWEATHER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with