Ex-Beermen wagi
Ex-Beermen wagi
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dinaig ng San Miguel Beer ang karibal na Alaska, 96-83, sa klasikong dwelo sa pagitan ng dalawang grandslam teams sa Philippine Basketball Association (PBA) Legends Game na pinamagatang “Return of the Rivals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Binansagang ‘The Triggerman’, pinatunayan ni Allan Caidic na siya pa rin ang pinakamagaling na shooter sa 43-taong kasaysayan ng PBA matapos magliyab sa limang tres tungo sa 21 puntos sa second half kung saan lumayo ang Beermen.

Tabla pa sa 78–all sa huling 5 minuto, giniyahan ni Caidic ang 13-1 birada ng SMB na tinuldukan niya ng back-to-back threes para sa malaking 91-79 abante sa huling dalawang minuto.

Sapat na ito para sa 1989 grandslam team na Beermen na inalagaan na lang ang kalamangan tungo sa tagumpay.

Nagkasya lamang sa limang puntos sa first half, tumapos ang 1990 PBA Most Valuable Player na sj Caidic sa 26 puntos sa 6-of-14 three-point shooting upang pangunahan ang SMB.

Nagdadag din ng 17 puntos, apat na rebounds at apat na assists si Denom Miranda para sa Beermen.

Samantala, nauwi naman sa wala ang 20 at 11 puntos ng dati ring mga MVP na sina Willie Miller at Johnny Abarrientos para sa Milkmen na nagwagi ng grandslam noong 1996.

EX-BEERMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with