DLSU Lady Spikers nagparamdam
DLSU Lady Spikers nagparamdam
Francisco Cagape (Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagparamdam agad ang nagdedepensang De La Salle Lady Spikers sa asam na four-peat title sa pagpapadapa sa arch-rival na Ateneo Lady Eagles, 25-14, 25-17, 16-25, 25-19 kahapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 81 volleyball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hindi nag-aksaya ng oras sina Desiree Cheng, Michelle Cobb, Aduke Ogunsanya at May Luna nang angkinin agad ang unang set sa loob ng 18 minuto lamang, 25-14 at sinundan ng 25-17 panalo sa ikalawang yugto tungo sa first game win sa harap ng mahigit 17,166 volleyball fans.

Sinamantala rin ng Taft-based Lady Spikers ang maraming errors ng Lady Eagles sa unang dalawang sets.

Kahit bumawi ang Ateneo sa third set, nagtulung-tulong naman sina Luna at rookie Jolina de la Cruz para palawakin ang bentahe ng La Salle sa 19-13 sa fourth set bago umiskor si Cheng ng ace upang tapusin ang laban sa apat na sets lamang.

Sa ibang laro, nanga-ngailangan ng limang sets ang University of Santo Tomas Tigresses bago lapain ang Adamson Lady Falcons, 25-21, 25-21, 24-26, 24-26, 15-6 upang makisosyo sa liderato kasama ang nagdedepensang De La Salle Lady Spikers, UP Lady Maroons at FEU Lady Tamaraws.

Nagsanib puwersa sina Sisi Rondina at Fil-Italian Milena Alessandrini habang tumulong din ang sophomore na si Eya Laure ng importanteng puntos para buksan ang deciding fifth set sa 6-1 tungo sa kanilang unang first game win sa loob ng tatlong taon.

Sa men’s division, umiskor si team captain Paolo Pablico ng 23 puntos upang iangat ang Adamson Soaring Falcons sa 33-31, 23-25, 16-25, 25-15, 16-14 panalo kontra sa University of Santo Tomas Growling Tigers.

DLSU LADY SPIKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with