27 personalidad at grupo kikilalanin ng PSA
27 personalidad at grupo kikilalanin ng PSA
(Pang-masa) - February 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kabuuang 27 sports personalities at entities, ang karamihan ay mula sa combat sports, ang pa­­­rarangalan sa SMC-PSA An­­nual Awards Night sa Pebrero 26 sa Ma­nila Ho­tel.

Sina ONE Cham­pion­ship title holders Eduard Folayang, Kevin Be­lingon, Geje Eustaquio, Joshua Pacio at Brandon Vera ang ma­mu­muno sa listahan sa event na ini­hahandog ng MILO, Cig­nal TV at ng Philippine Sports Commission.

Ang iba pang para­ra­­ngalan ay sina World Bo­xing Or­ganization mi­­ni flyweight titlist Vic Sa­ludar, trainer Restitu­to ‘Buboy’ Fernandez, In­ternational Boxing Or­ganization bantamweight king Michael Das­­mariñas at amateur fighter Criztian Pitt Lau­rente at judoka Kiyo­mi Watanabe.

Hindi makakadalo si Saludar sa event na su­por­tado din ng Chooks To Go, Rain or Shine, Tapa King, NorthPort, SM Prime Holdings, ICTSI, Mighty Sports at Philippine Basketball Asso­ciation dahil ita­taya ni­ya ang korona la­ban kay Masataka Ta­­niguchi sa parehong pet­sa sa Tok­yo, Japan.

Bibigyan din ng ci­ta­tion si Bobby Ray Parks, Jr., ang Alab Pi­lipinas, San Beda Red Lions at si national team stalwart Janine Pontejos.

Ang mga awardees naman sa chess ay ang Philippine junior team at sina John Marvin Miciano at International Mas­ter Chito Garma.

Ang iba pang nasa lis­tahan ay sina golfers Angelo Que, Miguel Ta­buena at Dottie Ardi­na, cyclist Ronald Oranza, fencer Maxine Esteban. Centennial III ng sai­ling, Kenneth San An­dres sa motocross, ang Philippine men’s foot­ball team, Mighty Sports at si dating Philippine Tennis Association pre­sident Salvador ‘Buddy’ Andrada.

Sina weightlifter Hidilyn Diaz, skateboarder Margielyn Didal at gol­fers Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go ang tatanggap ng prestihiyosong 2018 PSA Athlete of the Year award.

PSA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with