Hinatawan ni Judith Abil ng Lady Warriors ang depensa ng Lady Maroons.
PM photo ni Joven Cagande
Lady Maroons, Lady Tams buwenamano sa UAAP 81
Francisco Cagape (Pang-masa) - February 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dumaan muna sa bu­tas ng karayom ang University of the Philip­pines Lady Maroons ba­­go nagwagi kontra sa Uni­versity of the East La­dy Warriors, 25-12, 22-25, 23-25, 25-19, 15-12, sa pagsisimula ng UA­AP Season 81 vol­ley­ball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City kaha­pon.

Sa ikalawang laro, ti­nakasan ng Far Eastern Uni­versity Ta­maraws ang National Uni­versity La­­­­dy Bulldogs, 22-25, 25-19, 25-19, 25-12.

Nagkaroon si Lady Bulldogs roo­kie setter Joy­me Cagande ng left knee sprain matapos ang banggaan nila ni Roselyn Doria sa third set.

Matapos sa kanilang madaling panalo sa first set, 25-12, nawalan ng depensa ang Lady Maroons kaya naunahan si­la ng Lady Warriors.

Ngunit bumawi sina Tots Carlos, Isa Molde, Ma­ris Layug, Justine Do­rog, Lorie Bernardo at Arielle Estrañero para itabla ang laro sa 1-1.

Huling lumapit ang Lady Warriors  sa atake ni Laiza Bendong, 7-8, sa deciding fifth set pero humataw sina Jessma Ramos at Molde ng tatlong sunod na puntos upang lumayo sa 11-8.

Umiskor si Molde ng 23 points kabilang na ang 19 atake, 2 aces at 2 blocks, habang si Carlos ay nagtala ng 15 points para malampasan ng tro­pa ni coach Godfrey Okumu ang opening day jinx.

Si Estrañero ay nagposte ng 43 excellent sets para sa UP.

Sa men’s division, bi­­nuksan naman ng UE Red Warriors ang ba­gong sea­son sa pa­ma­magitan ng 20-25, 25-10, 25-22, 25-21 pa­nalo laban sa UP Figh­ting Maroons, habang ginulat ng FEU Ta­ma­raws ang nagdede­pen­sang NU Bulldogs via straight sets,  25-12, 25-18, 25-17.

Samantala, sisimulan ng ‘three-peat’ champion La Salle Lady Spi­­kers ang hangad na ika­apat sunod na koro­na sa pagharap sa Ateneo La­­dy Eagles nga­yong alas-4 ng ha­pon matapos ang laban ng Adam­son Lady Falcons at UST Tigresses sa alas-2 sa Mall of Asia Arena sa Pa­say Ci­ty.

Pamumunuan ni Desiree Cheng ang La­dy Spi­­­kers kasama si­na Lourdes Clemente, Mi­chelle Cobb, May Luna, Car­mel Saga, Aduke Ogun­sanya at Er­nestine Tiamzon.

Sina Da­nielle Ra­­ve­na, Deanna Wong, Ju­­l­ie­anne Sa­monte, Kat To­­lenti­no, Bea de Leon at Made­leine Ma­­­da­yag  naman ang ita­­tapat ng La­dy Eagles.

 

LADY MAROONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with