UAAP football sisipa ngayon
(Pang-masa) - February 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sasagupain ng 2018 runner-up University of Santo Tomas ang De La Salle University sa paggulong ng UAAP Season 81 men’s football tournament ngayon sa FEU-Diliman pitch.

Maglalaban ang Growling Tigers at ang Green Archers sa ala-1 ng hapon matapos ang bakbakan ng National University Bulldogs at Adamson Falcons sa alas-9 ng umaga.

Maghaharap naman sa alas-3 ng hapon ang Far Eastern University Tamaraws at University of the East Warriors.

Nawala sa UST, su­megunda sa University of the Philippines sa na­­­karaang season, ang mga key players na sina Mar­vin Bricenio at Gino Clariño.

Ngunit kumpiyansa pa rin si coach Marjo Allado sa kampanya ng Growling Tigers dahil ki­na Steven Anotado, Dex­ter Benecio at Ian de Castro.

Ipaparada ni Hans Smit sa panig ng Green Archers sina main men Yoshi Koizumi, Paeng Siggaoat at Jed Diamante.

Matapos naman ang seventh place finish ay umaasa ang Tamaraws na makakapasok sila sa Final Four sa likod nina Gibo Mendoza, Ha­rold Alcoresa at high school standout Gio Pabualan, iginiya ang Baby Tamaraws sa ‘eight-peat’.

UAAP FOOTBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with