Ika-40 taon ng DELTA
(Pang-masa) - February 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Ipagdiriwang nga­yon ng De La Salle Tae Kwon Do Association (DELTA) ang kanilang ika-40 taon sa DLSU- Hen­ry Sy Hall sa Taft Ave., Manila.

Ipinakilala ang Korean Martial Arts of Taekwondo sa mga estud­yante ng De La Salle Uni­versity ni Grand­mas­ter Hong Sun Chon.

Ilan sa mga naging pro­dukto ng La Salle ay sina Sports Hall of Fame Awardees Cong. Mon­sour del Rosario at College of St. Benilde Sports Head Stephen Fer­nandez na parehong ku­mampanya sa Olympic Games.

Itatampok sa 40th year anniversary ang lahat ng alumni ng DELTA mula sa DLSU, De La Salle Zobel (DLSZ), La Salle Green Hills (LSGH) at St. Benilde.

Gagawin ang event sa dating DLSU football field (Henry Sy Hall).

Nakapagbigay ang DEL­TA ng suporta sa mga koponan ng DLSU at CSB bukod pa sa Precision Scoring System o PSS para mapalakas ang kanilang talento sa paglahok sa UAAP, NCAA at iba pang major leagues.

 

DELTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with