Pangatlo ng Arellano
Chris Co (Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

NCAA Women’s Volleyball

MANILA, Philippines — Nasawata ng Arella­no University ang pag­hahabol ng Universi­ty of Per­petual Help Sys­tem Dalta nang itatak ang 22-25, 25-15, 25-18, 25-18 panalo sa Game Three upang matamis na makumpleto ang ‘three-peat’ kahapon sa NCAA Season 94 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Balanseng atake ang inilatag ng Lady Chiefs tampok ang pagbibida ni outside hitter Regine Arocha upang mapanati­li sa kanilang teritoryo ang kampeonato.

Humataw si Arocha ng 16 puntos at 11 recep­tions, habang nagbigay ng solidong suporta si wing spiker Princess Bello na nagdagdag ng 12 markers at 18 digs pa­ra sa Lady Chiefs.

Nag-ambag naman sina Season MVP Nicole Ebuen at Carla Do­nato ng tig-11 puntos, sa­mantalang may 20 excellent sets naman si Rhea Ramirez.

Itinanghal na Finals MVP sa ikalawang sunod na taon si Arocha.

Mainit ang simulan ng Lady Altas nang pa­munuan nina Cindy Imbo, Syra Umandal at Jenny Gaviola ang rat­sa­da para makuha ang 1-0 bentahe.

Subalit mabilis na na­kabawi ang Lady Chiefs sa likod nina Aro­cha, Ebuen at Bello na siyang bumandera sa mga sumunod na sets upang tuluyang wasakin ang pangarap ng Lady Altas.

Tanging 12 puntos lamang ang nagawa ni Imbo sa panig ng Lady Altas at may tig-10 naman sina Umandal at Jenny Gaviola.

Tinapos ng Arellano ang best-of-three championship series sa 2-1 panalo talo.

Nakauna ang Lady Altas nang kunin ang Game One bago maiselyo ng Lady Chiefs ang five-setter win sa Game Two para ma­ipuwersa ang rubber match.

Sa panalong ito ay na­ga­wang pigilan ng Arellano ang tangkang triple crown ng Perpe­tual Help.

Nauna nang nagkampeon ang Altas sa men’s division at Junior Altas sa juniors’ class.

NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with