UAAP Jr. basketball Final 4 live sa ABS-CBN channels
(Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Buo na ang apat na koponan na magtatagisan sa UAAP Season 81 Juniors basketball Final Four at magsisimula ang labanan ngayong Biyernes na mapapanood ng Live sa ABS-CBN S+A, S+A HD, LIGA, LIGA HD, iWant, ABS-CBN Sports YouTube at sports.abs-cbn.com.

Bitbit ng numero unong koponan na Nazareth School-Natio-nal University (NSNU) Bullpups ni Carl Tamayo ang twice-to-beat advantage kontra sa Adamson Baby Falcons ni Joem Sabandal sa kanilang sagupaan sa alas-1 ng hapon sa The Arena sa San Juan City. Susundan ito ng alas-3 ng hapong  bakbakan ng defending champions at pumapangalawang Ateneo Blue Eaglets ni Kai Sotto kontra sa Far Eastern University Baby Tamaraws ni RJ Abarrientos na nasa ikatlong pwesto.

Tiyak na inaabangan ng NSNU ang napipintong rematch nila kontra sa Ateneo pero haharapin muna ng kanilang big three na binubuo nina Tamayo, Gerry Abadiano, at Terrence Fortea ang Adamson Baby Falcons ni Joem Sabandal. Kahit na nagdomina sa eliminations ang koponan ni coach Goldwin Monteverde, tanging ang Baby Falcons lamang ang nakatalo sa kanila.

 Nais masungkit ng Blue Eaglets ang ika-15 na titulo ng Ateneo sa UAAP Juniors, pinakamarami sa UAAP sa tulong ng point guard na si Forthsky Padrigao.

Gumanda ang takbo ng laro ng Blue Eaglets pagkatapos bumalik ni Padrigao mula sa injury at malaking tulong kina Sotto at kapwa niya big man na si Geo Chiu.

Ngunit kailangan muna nilang malampasan ang FEU Baby Tamaraws na may matinding kargada na sina RJ Abarrientos, Xyrus Torres, at Royce Alforque.

BASKETBALL UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with