LVPI natuwa sa dami ng dumalo sa tryouts
(Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natuwa ang Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI) na maraming nakibahagi sa men at women’s national team try-outs na inaasahan nilang magbubunga ng podium finish sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.

Sinabi ni LVPI President Peter Cayco na may magandang problema na ngayon sina national coaches Shaq Delos Santos (women’s) at Dante Alinsunurin (men’s) dahil sa dami ng players na sumipot na nais lumaro para sa bansa.

Naging sorpresa ang attendance para sa men’s squad na ginanap nitong weekend sa University of the East na pinangasiwaan ni Rod Roque, ang director in-charge sa men’s Philippine team.

“The two-day try-outs for the women’s national team was very good. All the players we were expecting arrived and attended the try-outs,” sabi ni Cayco. “Now for the men’s volleyball team try-outs, nagmukhang miniscule yung sa women’s because a total of 85 attended the try-outs for the men’s volleyball team. We’re very happy, the LVPI is very happy.”

Base sa bilang ng mga sumipot sa tryout, optimistiko ang LVPI na may mapapanalunang medalya sa SEA Games na gaganapin dito sa Pinas sa Nov. 30 to Dec. 11.

“Podium finish yan for the men’s and women’s. Kulay na lang ang pag-uusapan,” sabi ni Cayco sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum noong Martes sa Tapa King Restaurant sa Farmers Plaza sa Cubao.

“But we’re confident kami na podium finish,” dagdag ng LVPI president na dumalo sa session na handog ng San Miguel Corporation, Tapa King at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Binanggit ni Cayco na ang powerhouse Thailand, Indonesia at Vietnam ang mahigpit na kalaban ng Pinas sa podium finish.

Huling nanalo ang Philippine volleyball team ng medal sa SEA Games noong 2005 nang mag-host ang Pinas ng naturang biennial meet.

VOLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with