SMB-Alab gustong i-sweep ang HK Eastern
Francisco Cagape (Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maghaharap sa ika-apat at huling pagkakataon ang magkaribal na nagdedepensang San Miguel-Alab Pilipinas at Hong Kong Eastern Lions nga-yon sa pagpapatuloy ng 9th ASEAN Basketball League (ABL) sa Southorn Stadium ng Wan Chai, Hong Kong.

Matapos matalo ng tatlong beses sa Alab Pilipinas sa season na ito hangad ng Hong Kong Eastern na maka-isa sa kanilang pagtatagpo sa alas-8 ng gabi.

Hangad ng tropa ni coach Jimmy Alapag na palawakin sa walo ang kanilang winning streak at pang-14th overall habang asam ng Hong Kong ang pang-12th panalo sa 21 laro para umangat sa pang-apat na puwesto.

Sa ngayon lumawak na rin sa tatlong panalo ang bentahe ng Alab Pilipinas (13-2) sa pumapa-ngalawang Formosa Dreamers (10-5) na sinusundan ng pumapangatlong Singapore Slingers (10-7) at pang-apat na Saigon Heat (10-8).

Ang rivalry ng dalawang koponan ay nagsimula sa semifinal round noong nakaraang taon kung saan winalis ng Alab Pilipinas ang Hong Kong, 2-0 tungo sa pag-angkin sa titulo.

Unang tinalo ng Filipino team ang Eastern Lions, 87-75 noong Enero 11 sa Sta. Rosa, Laguna at sinundan ng 88-76 panalo sa ikalawang pagtatagpo noong Enero 27 sa parehong venue.

Sa pangunguna ni Renaldo Balkman, inilampaso pa rin ng Filipino team ang Hong Kong sa ikatlong pagkakataon, 96-81 sa teritoryo mismo ng Chinese team noong Biyernes lamang kaya umangat sa 3-2 ang road game record ng Alab Pilipinas bukod pa sa 10-0 sa home court. Bumaba naman sa 6-4 ang home win ng Hong Kong at 5-5 sa road game.

Inaasahan muli ang paghataw ng Puerto Rican import na si Balkman at back-to-back MVP Bobby Ray Parks na nagsanib puwersa ng 55 puntos sa huli nilang pagtatagpo.

Muli ring magtatagpo ang mga higanteng sina 7’3 PJ Ramos ng Alab Pilipinas at 7’5 Maltese-Italian Sam Deguara ng Hong Kong. 

ASEAN BASKETBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with