Ang Stage 4 winner na si Jamalidin Novardianto ng Indonesia.
Ernie Peñaredondo
Indonesian rider umariba
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

Ronda Pilipinas Stage 4

ROXAS CITY, Philippines — Tagumpay sa Stage 4 ng umaatikabong 2019 LBC-Ronda Pilipinas ang Indonesian na si Jamalidin Novardianto ng PGN Cycling Team kahapon dito.

Matapos maiwan sa unang 20-kilometro 146.9-kilometrong karera, umariba sa kalagitnaan ng krusyal na Stage 4 ang 24-anyos na siklista upang samahan ang naunang 6-man breakaway group nina Arjay Peralta ng 7/11 Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines, Ryan Tugawin ng Team Franzia, Rudy Roque ng Philippine Navy Standard-Insurance, Mohd Shahrul Mat Amin ng Terrengganu Malaysia, Kangeun Joo ng Korail Cycling Team ng Korea at Oddie Puromo Setiawan ng PGN.

Buhat doon ay ang 7-man lead pack na ang nagtimon sa karera hanggang sa kumawala si Novardianto sa huling 10 kilometro papasok sa Roxas City upang abutin ang finish line sa Robinsons Place sa tatlong oras, 37 minuto at 53 segundo.

Sumunod sa kanya sina Mat Amin (3:37:53) ng Terrengganu at Joo (3:37:53) ng Korail na sumegunda at tumersera ayon sa pagkakasunod.

Bunsod nito, napatid ang two-stage streak ng mga Pilipino matapos magwagi si Marcelo Felipe sa 101.8-km Guimaras-Guimaras sa Stage 2 at Jan Paul Morales ng Philippine Navy-Standard Insurance sa 179.4-km Iloilo City-Roxas City sa Stage 3.

Sa kabila naman ng panalo ni Novardianto, halos di naman nagalaw ang overall race leaderboard dahil malaki pa rin ang kalamangan ng Spanish na si Francisco Mancebo Perez kahit pa pumang-14 lamang ngayong Stage 4 bilang bahagi ng bunch finish.

Bunsod ng milya-mil-yang abante sa kumbinsidong 197.6-km Iloilo-Iloilo Stage 1 na panalo, solo pa rin sa unahan ng overall Individual Classification category ang 42-anyos na beterano hawak ang kabuuang oras na 16:01:21 papasok sa Stage 5.

Nasa likuran niya ang nagdedepensang kampeon na si Ronald Oranza (16:05:12) ng Philippine Navy at Dominic Perez (16:05:15) ng 7/11.

Kapareho ni Mancebo, abante pa rin ang kanyang koponan na Powertag Matrix Japan sa overall Team Classification category sa oras na 48:15:52 kontra sa segundang 7/11 (48:17:57) at terserang Philippine Navy (48:18:41) matapos ang apat na stages ng Ronda na bahagi ng Asia Tour at sanctioned ng International Cycling Union (UCI).

Makikilatis ngayon kung mapapanatili ba ni Mancebo at ng Matrix Powertag ang kalamangan sa ikalima at huling stage na tatahakin ang 148.9-km ruta mula sa Roxas City papunta sa Antique.

LBC-RONDA PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with