Usapang volleyball sa PSA Forum
(Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Papagitna ang usapin sa volleyball sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Tapa King Restaurant sa Farmers Plaza in Cubao.

Pamumunuan ni Larong Volleyball sa Pilipinas (LVPI) president Peter Cayco ang mga bisita sa nasabing pang alas-11 ng umagang sesyon kasama si Rod Roque, ang director in-charge ng men’s national team.

Tatalakayin nina Cayco at Roque ang kasaluku-yang men’s national team tryouts para sa darating na 30th Southeast Asian Games.

Bibisita rin si Far Eastern University coach George Pascua sa nasabing weekly forum na inihahandog ng San Miguel Corporation, Tapa King at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Ilalahad ni Pascua ang magiging kampanya ng Lady Tamaraws para sa UAAP women’s volleyball tournament na hahataw sa Sabado.

Tumapos ang FEU bilang runner-up sa likod ng nagdedepensang De La Salle University sa nakaraang UAAP season.

VOLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with