SBP tinitingnan ang 3x3 sa 2020 Tokyo Olympics
(Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakasilip ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng tsansang makapaglahok ng koponan sa Olympic Games sa taong 2020.

At ito ay sa pamamagitan ng pagsabak sa 3x3 competition na itatampok sa Olympics na pamamahalaan ng Tokyo, Japan.

Tututukan ni SBP president Al Panlilio ang kanilang programa sa 3x3 matapos mabigong makapagsali ng tropa sa men’s 5-on-5 sa Olympics.

Hindi pa nakakapag-laro ang Pilipinas sa Olympics basketball sa nakaraang 47 taon.

“Mr. Panlilio wants to focus on 3x3 now that it’s an Olympic medal sports. We want to beat 5-on-5 in that race,” sabi ni SBP executive director Sonny Barrios.

Para simulan ang paghahanda sa 3x3 event ay inilulok ng SBP si da-ting PBA great Ronnie Magsanoc para manguna sa national 3x3 program.

“We’re far behind in the world of 3x3. And it’s an entirely different world when it comes to eligibility,” wika ni Barrios na kinaiinggitan ang Mongolia, miyembro ng FIBA sa loob ng 18 taon, na pinalakas ang kanilang 3x3 program.

“Mongolia, one of the small countries, concentrated on 3x3 where fielding team to international competitions entail far less expenses than a 5-on-5 team,” ani Barrios.

Nasa No. 7 ang Mongolia sa listahan ng FIBA sa 3x3 men’s division kumpara sa Pilipinas, miyembro ng FIBA sapul noong 1936, na nakaupo sa No. 59.

Sa women’s division ay No. 2 ang Mongolia sa FIBA ranking sa ilalim ng No. 1 China habang nasa No. 47 naman ang Pinas.

Nakapuwesto sa No. 2 ang Mongolia sa men’s U23 sa likod ng No.1 Russia, samantalang nasa No. 43 ang Pilipinas.

Nasa No. 2 din ang Mongolia sa women’s U23 sa ilalim ng No. 1 China kumpara sa Pilipinas na nakaupo sa No. 38 kagaya sa sitwasyon sa U18.

OLYMPIC GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with