Nakaungos si Marcelo Felipe ng Team Seven Eleven kay El Joshua Cariño ng Navy-Standard Insurance.
PM photo ni Ernie Peñaredondo
1-2-3 finish ng mga Pinoy
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - February 10, 2019 - 12:00am

Ronda Pilipinas Stage 2

GUIMARAS, Philippines — Matapos masaksihan ang panalo ng dayuhan sa Stage 1, siniguro ng Filipino riders na hindi na ito mauulit matapos ang 1-2-3 finish sa umaatikabong Stage 2 ng 2019 LBC-Ronda Pilipinas kahapon dito.

Nagdiriwang ng kanyang ika-29 na kaarawan nga-yong araw, regalo ang natanggap ni Marcelo Felipe ng 7/11 Cliqq-Air21 by RoadBike Philippines nang angkinin ang 101.8-kilometrong Guimaras-Guimaras Stage 2 sa dalawang oras, 40 minuto at 19 segundo.

Ga-buhok ang nilamang ng Nueva Ecija native na si Felipe dahil may parehong 2:40:19 na oras ang Philippine Navy-Standard Insurance bet na si El Joshua Cariño habang may 2:40:23 na tikada naman si Jonel Carcueva ng Go For Gold na siyang puma-ngalawa at pumangatlo, ayon sa pagkakasunod.

Dikit lang ang natitirang 75-man field ng Ronda Pilipinas sa Stage Two bago kumawala sa huling 10 kilometro sina Felipe, Cariño at Carcueva na inaming nagtulungan sa huling ratsada upang masiguro ang 1-2-3 podium finish ng Pilipinas kontra sa mga fo-reign counterparts.

Malaking bawi ito para sa bansa lalo’t nadaig sila ng Spanish na si Francisco Mancebo Perez ng Matrix Powertag ng Japan nang milya-milya sa 197.6-km Iloilo Stage One kamakalawa.

“Nag-usap po kami ni Cariño na magtulungan na lang pati si Carcueva kaya ito ‘yung resulta. Parehong Pilipino,” aniya. “Tulunga tayo kasi tatlo tayong Pilipino nandito. ‘Yung mga puti, hayaan n’yong maghabol sa atin. At least tayo, Pilipino, Pilipino ang mananalo.”

Samantala, sumunod naman bilang fourth at fifth placer sina Daeyeong Joo of Team Korail ng Korea at reigning champion Ronald Oranza ng Philippine Navy bunsod ng parehong 2:40:33 na tikada para sa maiksing Stage Two ng five-stage Ronda Pilipinas.

Nagkasya lang sa ika-19 na puwesto sa Stage Two si Mancebo sa oras na 2:40:39.

Subalit bunsod ng malaking kalamangan niya sa Stage One na umabot sa higit apat na minuto, napa-natili pa rin ng Spanish ang kalamangan sa Overall Individual Classification sa kabuuang oras na 7:47:28 matapos ang dalawang stages.

Nasa likod lamang niya sina Oranza (7:50:20) ng Philippine Navy at Dominic Perez (7:50:29) ng 7/11, ayon sa pagkakasunod papasok sa krusyal na Stage Three ng Asia Tour, International Cycling Union (UCI) sanctioned race na suportado ng LBC Foundation.

Dahil naman sa panalo sa Stage Two, umakyat sa ika-10 puwesto ng individual classification si Felipe mula sa 20th place noong Stage One.

Ang tagumpay niya rin ay nagpapatatag sa puwesto ng 7/11 sa Overall Team Classification ca-tegory bunsod ng opisyal na oras na 23:37:00 upang ungusan nang bahagya ang third placer na Philippine Navy (23:37:44).

Subalit kailangan pa nilang maghabol dahil nasa unahan pa rin sina Mancebo at ang koponang Team Matrix Powertag ng Japan sa kabuuang oras na 23:34:13.

Magpapatuloy ang Ronda Pilipinas ngayon sa 179.4-km Iloilo-Roxas City Stage Three ngayong araw.

RONDA PILIPINAS STAGE 2
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with