Tangkang umiskor ni Japeth Aguilar ng Ginebra laban kay Joseph Eriobu ng Blackwater.
PBA Image
Ginebra 2-sunod na panalo
Russell Cadayona (Pang-masa) - February 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos mahulog sa dalawang sunod na kamalasan ay inilista ng Barangay Ginebra ang kanilang ikalawang dikit na panalo para solohin ang ikatlong puwesto.

Kumolekta si local boy Scottie Thompson ng 16 points, 11 rebounds at 5 assists para pamunuan ang Gin Kings sa 85-67 pagpapatumba sa Blackwater Elite sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Davao del Sur Coliseum sa Digos City.

Umiskor si Japeth Agui-lar ng 20 markers habang may 17 points si seven-footer Greg Slaughter para sa tropa ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone.

Ang nasabing panalo ang nagtaas sa kartada ng Ginebra sa 3-2 habang lalo pang nahulog ang baraha ng Blackwater sa 1-5.

Matapos ilista ang 22-12 bentahe sa pagsasara ng first period ay pina-laki pa ng Gin Kings ang kanilang kalamangan sa 57-35 galing kina Thompson at Aguilar sa 6:30 minuto ng third quarter.

Nang mabaon sa 24-point deficit, 53-77 sa 7:56 minuto ng final canto ay hindi na nakabangon ang Elite.

Samantala, hangad naman ng Phoenix na patuloy na masolo ang liderato sa pagharap sa mapanganib na Rain or Shine ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang bakbakan ng nagdedepensang San Miguel at Magnolia sa alas-6:45 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi pa natatalo ang Fuel Masters sa 6-laro sa torneo.

 

GINEBRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with