Dinakdakan ni Demarcus Cousins ng Golden State si Kyle Kuzma ng LA Lakers.
Warriors lusot sa LA Lakers
(Pang-masa) - February 4, 2019 - 12:00am

OAKLAND, California — Isinalpak ni center DeMarcus Cousins ang isang dumadagundong at krusyal na dunk habang umiskor si Klay Thompson ng 28 points para pamunuan ang Golden State Warriors sa 115-101 panalo laban sa Los Angeles Lakers.

Hindi naglaro para sa Lakers si LeBron James.

“Luckily the sickness is nearly gone,” sabi ni Thompson sa kanyang pagbabalik matapos magkaroon ng sakit. “I felt very refreshed.”

Naimintis naman ni Stephen Curry ang una niyang walong tira bago naisalpak ang isang layup sa 6:20 minuto ng fourth quarter at tumapos pa rin na may 14 points, dalawang araw matapos magpasabog ng 41 points sa kabiguan ng Warriors laban sa Philadelphia 76ers.

Kumonekta si Andre Iguodala ng isang go-ahead three-point shot sa huling minuto ng third period at dalawa pang triples sa fourth quarter para tuluyang ilayo ang Golden State sa Lakers.

Tumapos si Iguodala na may 17 points habang humakot si Cousins ng una niyang double-double sa kanyang 18 points at 10 rebounds. Nagtala si Kevin Durant ng 21 points at 11 sa kabuuang 21 assists ng Warriors.

Tinalo ng Lakers at ni James ang nagdedepensang kampeon, 127-101 noong Araw ng Pasko kung saan na-strain ang left groin ng four-time MVP.

Nagbalik si James matapos ang 17-game absence noong Huwebes sa panalo ng Lakers kontra sa Clippers.

Sa Miami, humataw si Bojan Bogdanovic ng 31 points at nagdagdag si Darren Collison ng 20 markers para tulungan ang Indiana Pacers sa 95-88 pagdaig sa Heat.

DEMARCUS COUSINS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with