Perpetual sinilat ang Arellano
Dumipensa sina Carla Amaina Donato at Nicole Ebuen ng Arellano kay Hannah Marie Suico ng Perpetual.
PM Photo ni Joey Mendoza
Perpetual sinilat ang Arellano
Chris Co (Pang-masa) - February 2, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Patuloy ang mainit na kamada ng University of Perpetual Help System Dalta nang gulantangin nito ang nagdedepensang Arellano University, 21-25, 25-17, 25-21, 25-20,  upang makalapit sa kampeonato sa NCAA Season 94 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Muling umariba sina outside hitters Cindy Imbo at Hannah Suico para tulungan ang Lady Altas na makuha ang 1-0 bentahe sa best-of-three championship series.

Bukod sa matikas na opensa nina Imbo at Suico, solido rin ang depensa ng Lady Altas sa net matapos makakuha ng mga importanteng blocks sina Shyra Umandal, Jenny Gaviola at Jhona Rosal.

Maganda ang inilaro ni playmaker Necelle Gual na may 23 excellent sets para manduhan ang opensa ng Lady Altas.

Naging pasakit naman sa panig ng Lady Chiefs ang kaliwa’t kanang errors nito partikular na sa service area habang nalimitahan din ang produksiyon ni dating Rookie of the Year awardee Necole Ebuen na siyang gumawa ng attack error sa fourth set para ibigay sa Lady Altas ang panalo.

Tanging si Season 93 Finals MVP Regine Anne Arocha ang nagsilbing liwanag ng Arellano nang kumana ito ng 16 puntos. Magkakaroon ng tsansa ang dalawang koponan na magkapag-recharge dahil lalaruin ang Game 2 sa Pebrero 8 sa parehong venue.

Sa men’s division, nakadikit din sa korona ang Perpetual Help matapos itakas ang pahirapang 23-25, 25-20, 23-25, 25-23, 15-12 panalo laban sa College of Saint Benilde sa Game 1 ng kanilang sariling best-of-three finals.

Nangibabaw si reigning MVP Joebert Almodiel nang pumalo ito ng 21 puntos.

Sa juniors, inilampaso ng Perpetual Help ang Colegio de San Juan de Letran, 25-15, 25-19, 25-19, para makalapit sa five-peat.

 

ARELLANO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with