Ready na si Troy para maglaro sa Team Phl
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - January 29, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handa na si Troy Rosario na samahan ang Team Pi­lipinas sa paghahanda nito para sa nalalapit na sixth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa susunod na buwan.

Ito ay matapos siyang makapaglaro sa unang pag­­kakataon sa 2019 PBA Philippine Cup mula sa na­tamong broken nose injury sa offseason noong nakaraang buwan.

At bagama’t galing sa injury, nagpasiklab pa rin si Rosario sa una niyang salang nang kumamada ng 22 points at 5 rebounds upang tulungan ang TNT Kat­ro­pa sa malaking 104-93 panalo kontra sa nagdedepensang San Miguel noong Linggo.

“Oo naman, handa na ako. Iyon din ang isa kong iniisip noong na-injured ako, kaya minadali ko rin ‘yung pagbabalik ko,” ani Rosario na nagsusuot ng protective mask para depensahan ang kanyang ilong.

“Eh ngayon nakapaglaro na ako, so tingin ko ready ako if ever mapili ako,” dagdag pa nito.

Natamo ni Rosario ang naturang injury sa tune-up game kontra sa NLEX bago ang pagbubukas ng 44th PBA Season kaya hindi muna nakalaro sa unang tatlong laban ng TNT Katropa.

Bagama’t dumadalo sa unang linggo ng pagsasa­sanay ng Team Pilipinas noong nakaraang linggo ay hindi nakikisali si Rosario sa contact drills kasama ang isa pang injured player na si Raymond Almazan (ankle sprain) ng Rain Or Shine.

Ngayon ay masasamahan na ni Rosario ang kopo­nan tatlong linggo pa bago ang krusyal nilang sagupaan kontra sa Qatar at Kazakhstan sa Pebrero 21 at 24, ayon sa pagkakasunod.

Nagpatuloy ang kanilang pagsasanay kagabi sa Meralco Gym sa Ortigas, Pasig City at babalik ulit sa ensayo sa Huwebes bilang bahagi ng twice-a-week training kasabay ng 2019 PBA Philippine Cup.

Titigil naman pansamantala ang PBA simula sa Pebrero 14 hanggang 26 para sa puspusan at araw-araw na paghahanda ng Nationals.

Samantala, si naturalized player Andray Blatche ay sa Pebrero 1 inaasahang makakasama sa paghahanda ng koponan pagkatapos ng kanyang Chinese Basketball Association (CBA) stint para sa kopo­nang Tianjin.

Hawak ang 5-5 kartada sa ikaapat na puwesto ng Group F, tatangka ng sweep ang Team Pilipinas laban sa Qatar at Kazakhstan upang mapanatiling bu­hay ang pag-asang makapasok sa 2019 FIBA World Cup na gaganapin sa Agosto sa China.

TROY ROSARIO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with