Bacoor, Bulacan nakalusot
(Pang-masa) - January 26, 2019 - 12:00am

BACOOR – Nakalimutan man dahil sa bigating line-up ng Bataan Risers ay nagparamdam naman ng kanyang husay si Mark Pangilinan para sa nilipatan niyang Bacoor Strikers.

Nagsalpak si Pangilinan ng dalawang mahalagang three-point shots sa dulo ng final canto para tulungan ang Strikers na itakbo ang 90-87 panalo laban sa Quezon City Capitals sa MPBL Datu Cup sa Strike Gymnasium noong Huwebes ng gabi.

Tumapos si Pangilinan na may 17 points, tampok ang 5-of-7 shooting sa 3-point range.

Nagtala naman si Gab Banal ng kanyang ikatlong triple-double mula sa inilistang 10 points, 12 rebounds at 11 assists.

Kumonekta siya ng triple sa huling 40 segundo sa regulation para idikit ang Strikers sa 86-87 agwat bago muling nagsalpak ng tres matapos ang 27 segundo para sa kanilang panalo.

Ang krusyal na turnover ni Hesed Gabo sa baseline ang tumapos sa pag-asa ng Capitals.

Sinelyuhan ni Mark Montuano ang tagumpay ng Bacoor matapos ipasok ang isang free throw kasunod ang tumalbog na tres ni Andoy Estrella sa huling po-sesyon ng Quezon City.

Samantala, tinalo ng Bulacan Kuyas ang Caloocan, 86-82 para sa tsansa sa top four berth.

BULACAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with