Si Karl Anthony Towns ng Minnesota laban kay Dragan Bender ng Phoenix Suns.
Suns itinumba ng Wolves
(Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

PHOENIX — Humakot si star center Karl-Anthony-Towns ng 25 points, 18 rebounds at 7 assists para pamunuan ang Minnesota Timberwolves sa 118-91 pagpapatumba sa Suns.

Nagdagdag si Josh Okogie ng career-high na 21 points para sa Minnesota, tinalo ang Phoenix sa ikalawang sunod nilang pagkikita matapos ang 116-114 pagtakas noong Linggo sa Minneapolis na tinampukan ng game-winner ni Derrick Rose sa final buzzer.

Sa parehong laro ay wala sina centers Deandre Ayton (left ankle sprain) at Richaun Holmes (right foot sprain).

Umiskor si guard Devin Booker ng 14 points para sa Phoenix bago sila pinatalsik ni Gorgui Deng ng Minnesota sa huling 5:24 minuto ng third quarter.

Sa Oklahoma City, nagtala si Paul George ng 36 points at 8 rebounds at kumolekta si Russell Westbrook ng triple-double sa kanyang 29 points, 14 assists at 10 rebounds para pangunahan ang Thunder sa 123-114 paggiba sa Portland Trail Blazers.

Nag-ambag sina Steven Adams at Terrance Ferguson ng tig-14 points para sa Oklahoma City, tinapos ang three-game losing skid sa Portland sa Chesapeake Energy Arena.

Matapos isuko ang lima sa anim nilang laro ay naipanalo ng Thunder ang huli nilang tatlong laro para bumalik sa third place sa Western Conference standings.

Sa Toronto, tumipa sina guards Kyle Lowry at Fred VanVleet ng tig-19 points kasunod ang 18 markers ni Pascal Siakam para sa 120-105 paggupo ng Raptors kontra sa Sacramento Kings.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with