Hindi mabubulag si Manny
Russell Cadayona (Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang dapat ipag-alala ang mga fans ni Manny Pacquiao kaugnay sa minor injury sa kaliwang mata ng Filipino world eight-division champion makaraan ang panalo kay Adrien Broner noong Linggo sa MGM Grand.

Matapos ang laban ay kaagad sinuri ni Dr. Regina Bagsic ng Cardinal Santos Medical Center, ang personal doctor ni Pacquiao, ang nasabing eye injury.

“The fans have no-thing to worry about. It’s nothing serious. After a medical check-up, Manny Pacquiao’s doctor found out that the cornea of his left eye had sustained a light scratch,” sabi ni Michael Koncz, ang Canadian adviser ni ‘Pacman’.

Hindi matandaan ni Pacquiao kung sa round seven o eight nangyari ang pagkaskas ng gloves ni Broner sa kanyang kaliwang mata.

Sa loob ng limang araw matapos ang nasabing unanimous decision win laban kay Broner ay bubuti na ang mata ng Senador, paniniyak ni Bagsic na binigyan ng tiket ni Pacquiao para panoorin ang kanyang laban kay Broner.

“After checking on his left eye, she (Bagsic) called up an eye specialist in Cardinal Santos Medical Center. Appropriate medicines had been pres-cribed and were already administered. In five days, his left eye would be okay,” ani Koncz.

Pinabulaanan ni Koncz na nagkaroon ng detached retina si Pacquiao sa kaliwang mata dahil sa naturang insidente. Matatandaang dahil sa detached retina sa kanyang kaliwang mata ay napilitan si boxing legend Sugar Ray Leonard na magretiro noong 1998.

“Many inaccurate reports came out that this is a case of a detached retina. No, it’s not. In fact, the condition of his left eye is fast improving,” wika ni Koncz.

Inaasahang uuwi nga-yon si Pacquiao kasama ang asawang si Jinkee at ang kanyang tropa.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with