Abueva sinapawan si Perez
Russell Cadayona (Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagharap sa unang pagkakataon sina Calvin ‘The Beast’ Abueva ng Phoenix at No. 1 overall pick CJ “The Baby Beast’ Perez ng Columbian.

Ngunit sa dulo ng final canto ay mas nanaig ang eksperyensa ni Abueva.

Nagsalpak si Abueva ng apat na free throws sa huling minuto ng fourth quarter habang nagpasa-bog si shooting guard Matthew Wright ng 22 points para akayin ang Fuel Masters sa 108-98 panalo kontra sa Columbian Dyip sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikatlong sunod na arangkada ng Phoenix, nasa best start ng kanilang prangkisa para solohin ang liderato kasabay ng pagpapalasap sa Columbian ng una nitong kabiguan.

Tumapos ang 6-foot-2 na si Abueva na may 16 markers, 9 rebounds at 3 steals para sa Fuel Masters, nakatakas sa overtime laban sa Meralco Bolts, 93-92 at TNT Katropang Texters, 93-84.

Nalimitahan naman ang 6’2 na si Perez sa 10 points matapos umiskor ng 26 markers sa naunang 124-118 paggitla ng Dyip laban sa four-time champions na San Miguel Beermen noong Biyernes.

Ipinoste ng Phoenix ni coach Louie Alas ang 24-14 abante sa first period at ibinaon ang Columbian sa 40-21 sa 7:15 minuto ng second quarter.

Ngunit naputol ito ng Dyip sa 83-90 agwat mula sa floater ni rookie guard JP Calvo sa 7:06 minuto ng fourth quarter hanggang bumanat sina Wright, Abueva at LA Revilla para muling ilayo ang Fuel Masters sa 106-94 sa natitirang 46.4 segundo.

Umiskor si Calvo ng 18 points para banderahan ang Columbian kasunod ang tig-13 markers nina Jackson Corpuz at Eric Camson.

Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyan pang naglalaban ang NLEX Road Warriors at ang Talk N Text Katropa na parehong hangad ang unang panalo matapos parehong mabigo sa kanilang unang dalawang salang.

Phoenix 108 - Wright 22, Abueva 16, Perkins 14, Intal 13, Revilla 12, Kramer 8, Marcelo 7, Jazul 6, Chua 4, Mendoza 2, Napoles 2, Dennison 2, Mallari 0.

Columbian 98 - Calvo 18, Camson 13, Corpuz 13, McCarthy 10, Perez 10, Reyes 9, Celda 9, Escoto 8, Khobuntin 6, Agovida 2, Cahilig 0, Cabrera 0, Tabi 0.

Quarterscores: 24-14; 53-47; 82-7;, 108-98.

CALVIN ABUEVA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with