Long-term Gilas cadet program binubuo ng PBA,SBP
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa misyong lalo pang suportahanan ang pambansang koponan, planong bumuo ng Philippine Basketball Association (PBA) at ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng long-term cadet program para sa Gilas Pilipinas lalo na sa nalalapit na pag-host ng bansa sa 2023 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers.

Ito ang sinigurado ni PBA Board Chairman Ricky Vargas na nanguna sa pagtanggap ng President’s Award para sa PBA Board sa ginanap na 25th PBA Press Corps Awards Night kamakailan lang.

“First of all, we need to strengthen our commitment to the national team. We have worked closely with the Samahang Basketbol ng Pilipinas to allow PBA players to be part of the national team,” ani Vargas na siyang governor ng Talk ‘N Text sa PBA.  “I’m happy to report that the PBA and SBP have achieved a level of production collaboration. I’m also proud to say that we are now installing long-term programs for identifying cadets who will be drafted to the national team program, returning to the PBA only after they complete their tour of duty. Remember, we host the World Cup in 2023.”

Magugunitang huling nagkaroon ng cadet program ang Gilas noong 2016 sa pangunguna nina Mac Belo, Matthew Wright, Jio Jalalon, Kevin Ferrer, Roger Pogoy, Mike Tolomia at Ed Daquioag subalit hindi rin nagtagal nang pumasok ang mga ito sa PBA sa pamamagitan ng special draft.

Noong nakaraang taon ay ipinakilala ang bagong cadets na bubuo ng 23-man pool ng Gilas para sa 2023 FIBA World Cup sa pangunguna nina Robert Bolick, CJ Perez, Javee Mocon, Abu Tratter at Jayjay Alejandro subalit ang mga naturang manlalaro ay nasa pro-league na rin matapos ang 2018 PBA Annual Rookie Draft noong nakaraang buwan.

Bunsod nito, naiwan na lamang sa pool ang iba pang collegiate standouts na sina Thirdy Ravena, Juan Gomez De Liaño, Matt Nieto, Kobe Paras, Troy Rike, Isaac Go at high school sensation na si Kai Sotto gayundin ang iba pang Filipino-Foreign prospects  na sina Dwight Ramos, AJ Edu at Remy Martin.

Katuwang ang SBP, nais na simulan ng PBA ang long-term program kung saan makakapaglaro lamang sa PBA ang mga miyembro ng cadet program pagkatapos ng kanilang responsibilidad sa pambansang koponan.

Bilang Pangulo din ng Philippine Olympic Committtee, susuportahan din ni Chairman Vargas at ng PBA ang grassroots program ng SBP upang mapa-lakas lalo ang ugat ng Philippine basketball lalo na sa sumisikat na 3x3 basketball na ngayon ay medal event na sa 2020 Tokyo Olympics.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with