^

PM Sports

PBA magtatayo na ng sariling building?

Andrew Dimasalang - Pang-masa
PBA magtatayo na ng sariling building?

MANILA, Philippines — Matapos ang 43 taon, malapit na sa wakas na magkaroon ng sarili at permanenteng tahanan ang Philippine Basketball Association (PBA).

Subalit hindi ito tulad ng dating plano na arena o coliseum kundi isang higanteng PBA building na bukas sa lahat ng koponan, manlalaro, coaches at league officials.

Ito ang inanunsyo ni PBA Board of Governors Chairman Ricky Vargas kamakalawa na nanguna sa pagtanggap ng President’s Award para sa PBA Board kung saan siya ay Chairman sa 25th PBA Press Corps Awards Night kamakalawa ng gabi sa Novotel Araneta Center sa Cubao, Quezon City.

“There is also the major matter of fulfilling our dream with the PBA at 44 years old to stop renting office space,” ani Vargas na guest speaker sa PBA Press Corps Annual Awards kamakalawa ng gabi.

Nagsisilbi ding pangu-lo ng Philippine Olympic Committee, ang Talk ‘N Text governor na si Vargas ang nanguna sa pag-ayos ng gusot sa pagitan ng PBA Board noong nakaraang taon gayundin ang pagkakabuo ng solidong suporta ng PBA para sa national team na Gilas Pilipinas. “The board has started talking building our own home. The home of the PBA which I hope we are all excited for,” dagdag ni Vargas.

Sa ngayon, nananahan pa rin ang PBA sa maliit at isang palapag na opisina sa Libis, Quezon City.

Nakatakdang magbago na iyon sa planong higanteng building na magkakaroon ng opisina, fitness gym, training facility at chapel ayon sa inisyal na napag-usapan ng PBA Board.

“May plano talaga si Chairman Vargas. Opisina na may practice gym sa taas pati fitness gym at chapel,” ani Commissioner Willie Marcial. “Pero titingnan pa natin kung hanggang saan na mae-explore namin.”

May dalawa aniyang lugar na tinitingnan ang PBA na pagtatayuan ng naturang building. Isa sa Quezon City at isa pa sa siyudad na hindi pa pinapangalanan ni Marcial.

“Pinag-uusapan namin kung saan may lupa na accessible sa atin saka paplanuhin ‘yung building. May dalawang cities na. Titignan pa rin namin kung magkano and ‘yung location. Isa sa Quezon City, ‘yung isa saka ko na lang sasabihin,” ani Marcial.

“Pag-uusapan pa ng board kung papaano. Gusto namin malaman kung magkano ang costs. Pag kaya or manghihiram sa bangko.Wala pang definite date. Tinatarget ni Chairman itong year na ‘to (masimulan).”

Unang lumabas ang plano ng PBA na magtayo ng ng sariling PBA Coliseum noong 2006 sa ilalim din ng chairmanship ni Vargas  na nagkakahalaga halos ng P4 bilyon subalit hindi ito natuloy bagama’t muling nabuhay noong 2010 sa pangunguna ni Sta. Lucia governor Buddy Encarnado.

vuukle comment

PBA BUILDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with