^

PM Sports

Arellano volleybelles pasok na sa finals

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabilis na napaamo ng nagdedepensang Arellano University ang San Beda University, 25-18, 25-21, 25-23 upang masungkit ang unang tiket sa finals ng NCAA Season 94 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Inilabas ni Season 93 Finals MVP Regine Arocha ang malalim nitong karanasan nang kumana ito ng 17 puntos mula sa 13 attacks, dalawang blocks at dalawang aces para buhatin ang Lady Chiefs sa finals.

Magandang resbak ito para sa Arellano matapos lumasap ng kabiguan sa San Beda sa eliminasyon na siyang naging dahilan upang mabigo ang tropa na makumpleto ang 9-0 elimination sweep.

“Nung natalo kami sa San Beda sobrang nasaktan kami doon. Kaya sinabi lang namin sa sarili namin na ayaw na namin maulit yun. Malaking lesson para sa amin yun,” ani Arocha.

Solido rin ang inilaro ni dating Rookie of the Year awardee Necole Ebuen na nagtala ng 11 hits at 13 digs habang nag-ambag naman sina Alyana San Gregorio at Carla Donato ng tig-11 markers para sa Arellano.

Dominado ng Lady Chiefs ang lahat ng scoring department kung saan nakuha nito ang 41-34 edge sa attacks at 6-5 kalamangan sa aces habang humatak ang tropa ng 11 blocks kumpara sa apat lamang ng Lady Red Spikers. Malaking puntos ito para tabunan ang 19 errors ng Arellano.

Maganda rin ang koneksiyon nina playmaker Rhea Ramirez na nakagawa ng 24 excellent sets at libero Faye Flores na may 14 digs at 12 receptions sa larong tumagal lamang ng 76 minuto.

Nakakuha naman ang San Beda ng 17 hits mula kay Nieza Viray habang may 11 markers si skipper Cesca Racraquin ngunit kapos pa rin ito matapos bigong makakuha ng solidong suporta mula sa iba pang miyembro ng koponan.

Sa ikalawang laro, sinorpresa ng University of Perpetual Help System Dalta ang top seed College of Saint Benilde, 25-23 25-21 20-25 25-23 upang maipuwersa ang rubber match sa hiwalay na semis series.

Bumandera si Cindy Imbo na humataw ng 19 puntos mula sa 16 attacks at tatlong aces para pamunuan ang Lady Altas sa pagwasak sa twice-to-beat ng Lady Blazers.

Lalaruin ang do-or-die game ng Perpetual Help at Benilde sa Martes sa parehong venue. 

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with