Phoenix puntirya ang pang-3 panalo
Russell Cadayona (Pang-masa) - January 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng Phoenix ang kanilang ikatlong sunod na pananalasa para masolo ang lide-rato habang target ng Columbian ang pangalawang dikit nilang panalo sa 2019 PBA Philippine Cup.

Magtutuos ang Fuel Masters at Dyip ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang bakbakan ng TNT Katropang Texters at NLEX Road Warriors sa alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang 2-0 baraha ng Phoenix ay mula sa kanilang mga overtime wins laban sa Meralco, 93-92 at TNT Katropa, 93-84 habang ginulantang naman ng Columbian ang four-time Philippine Cup champions na San Miguel, 124-118.

“Last conference mga ganyang games (overtime) natatalo kami eh. So it’s a very, very good experience for us,” sabi ni coach Louie Alas sa kanyang Fuel Masters. “Very happy, pero kapag naging 3-0 (record) mas happy kami.”

Muling sasandigan ni Alas sina Matthew Wright, Calvin Abueva, 2018 PBA Rookie of the Year Jason Perkins, Alex Mallari at Justin Chua.

Inaasahan namang gagamitin ng Dyip ang ma-laki nilang panalo laban sa Beermen para targetin ang 2-0 kartada.

“Huwag silang magre-relax sa amin kasi mayroon silang mapupuntahan kapag ganoon,” sabi ni forward Jackson Corpuz, nagtala ng 21 points at 11 rebounds sa nasabing panalo ng Columbian kontra sa San Miguel.

Sa nasabing laro ay nagposte si No. 1 overall pick CJ Perez ng team-high na 26 points para sa tropa ni mentor Johnedel Cardel, hindi makukuha ang serbisyo ni Fil-Am guard Jerramy King matapos magkaroon ng strained posterior cruciate ligament injury at hindi na makakalaro sa kabuuan ng torneo.

Sa ikalawang laro, mag-uunahan naman ang NLEX at TNT Katropa na makabangon mula sa kani-kanilang kabiguan.

Kapwa may 0-2 baraha ang Road Warriors at Tropang Texters.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with