Ang pakikipag-selfie ni Jinkee kasama ang asa­­wang si Manny Pacquiao matapos ang laban kay American challenger Adrien Broner.
Pacquiao may minor eye injury
Russell Cadayona (Pang-masa) - January 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa isang bahagi ng ka­nilang mainit na upa­kan ay hindi sinasad­yang makaskas ng tape sa gloves ni American challenger Adrien Broner ang kaliwang mata ni Manny Pacquiao noong Linggo sa MGM Grand sa Las Ve­gas, Nevada.

 Ngunit binalewala ni Pacquiao ang nasabing eye injury.

Sa kasagsagan ng kan­yang training para sa laban kay Jeff Horn no­ong Hulyo ng 2017 ay nag­karoon din ng minor injury si Pacquiao sa kanyang kanang mata.

Kaya naman balewala na ito sa kanya.

“It’s okay, it’s just what my eyes are wate­ring. It’s a scratch to my eyeball,” ani Pacquiao sa panayam ng GMA News. “I’ve been through this with the right (eye). Now it’s on the left.”

Naisuko ni Pacquiao kay Horn ang dating suot na World Bo­xing Organization wel­ter­weight belt.

Kinaumagahan ay si­na­sabing inireklamo ni Pacquiao ang pananakit ng kanyang kaliwang ma­­ta bukod sa pagluluha.

Inaasahang makiki­pag­kita ang Filipino world eight-division king sa isang eye spe­cialist sa kanyang pag-uwi sa Pili­pi­nas.

“There’s no clutter, it’s really a scratch, it’s just a bit of a medicine,” ani Pac­quiao. “It’s okay, God is good, we just have to rest, it’s easy to heal the scratch in the eyeball.”

Kumpiyansa si Pacquiao na kaagad maghihilom ang kanyang sugat para sa hinihintay na rematch kay Floyd May­wea­ther Jr.

Ngunit hindi sumagot si Maywea­ther nang ta­nu­ngin sa re­match kay Pacquiao.

Related video:

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with