Aranas nasibak sa semis
MANILA, Philippines — Naputol ang matikas na ratsada ni James Aranas nang lumasap ito ng 10-13 kabiguan sa kamay ni legendary cue master Ralf Souquet sa semifinals ng prestihiyosong 2019 World Pool Series Predator Grand Final na ginanap sa Steinway Café-Billiards sa Astoria, New York.
Si Aranas ang itinuturing na ‘giant killer’ sa torneo matapos payukuin ang ilang malalaking pangalan kabilang na sina Petri Makkonen ng Finland (13-10), 2017 World Pool Series Aramith Masters champion Klenti Kaci ng Albania (13-11) at dating world champion Darren Appleton ng Great Britain (11-4).
Ngunit hindi umubra ang lakas ni Aranas laban sa mas beteranong si Souquet na humugot sa kanyang malalim na karanasan para maitakas ang panalo.
Bigo naman si Souquet na maipagpatuloy ang magandang laro nito matapos yumuko sa kanyang kababayang reigning World 9-Ball champion Joshua Filler, 11-17, sa final round.
Nasungkit ni Filler ang $10,000 papremyo.
Si Filler din ang tu-malo kay Carlo Biado sa finals ng 2018 World 9-Ball Championship na ginanap sa Doha, Qatar noong Disyembre.
- Latest