^

PM Sports

San Miguel nalagasan

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pansamantalang nala­gasan ng puwersa ang kam­peon na San Miguel Beer sa idinaraos na 2019 PBA Philippine Cup kung saan hangad nila ang ikalimang sunod na titulo.

Ito ay sa katauhan ng da­lawang manlalaro na sina Terrence Romeo at point guard Alex Cabagnot na nadale ng magka­ibang injuries sa unang la­ban nila kontra sa Co­lum­bian noong nakaraang linggo.

Naglalaro sa kanyang unang PBA game kasama ang bagong koponan, na­diskaril ang Beermen de­but ni Romeo nang ma­dale ng sprained ankle in­jury sa dulo ng third quarter pa lang ng laban na ikinatalo nila, 118-124.

“One week rest siguro para sure ‘yun ang sabi sa akin nung nagpa-check ako,” ani Romeo na may pi­tong puntos at four assists lang sa kanyang unang salang sa Beermen. “Ti­tingnan pa kung aabot sa next game pero hindi kasi puwedeng madaliin.”

Sa parehong laro din nagtamo ng left hamstring injury si Cabag­not na may iniinda na ring nose injury na siyang nagpuwersa sa kanyang gu­mamit ng facemask kontra sa Columbian.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with