Horn gigil na labanan uli si Manny
Horn gigil na labanan uli si Manny
Russell Cadayona (Pang-masa) - January 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Habang hindi na makapaghintay si Manny Pacquiao para maitakda ang ikalawa nilang paghaharap ni Floyd Mayweather, Jr. ay binuksan naman ng kampo ni dating world welterweight titlist Jeff Horn ang kanilang pintuan para sa isang rematch sa Filipino world eight-division champion.

Kumpiyansa si Dean Lonergan, ang promoter ni Horn, na muling tatalunin ng dating school teacher si Pacquiao sa kanilang paghaharap matapos noong Huly­o ng 2017 sa Brisbane, Australia.

“In his last five fights, Manny Pacquiao has only been beaten once, by Jeff Horn. Given Pacman’s last two fights, a destruction of Matthysse and an easy win over (Adrien) Broner, Manny has shown he has plenty of gas left in the tank,” wika ni Lonergan sa pa­nayam ng Fightnews.com. “It also shows that Jeff horn didn’t beat an old Manny Pacquiao.”

Tinalo ni Horn si Pacquiao via unanimous decision para agawin sa Filipino boxing legend ang suot nitong World Boxing Organization welterweight belt.

Bagama’t may rematch clause sa kanilang fight contract ay hindi na ito ginamit ni Pacquiao dahil sa Australia lamang dapat gawin ang kanilang rematch.

Matapos dominahin ang 29-anyos na si Broner noong Linggo ay hinamon ng 40-anyos na si Pacquiao ang 41-anyos na si Mayweather.

JEFF HORN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with