Kambosos natuto kay Pacman
Russell Cadayona (Pang-masa) - January 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tunay na maraming natutuhan si George Kambosos, Jr. bilang sparmate ni Manny Pacquiao.

Dinomina ng Australian lightweight prospect si Ray Perez via unanimous decision sa kanilang eight-round, 135-pound non-title fight sa undercard ng laban nina Pacquiao at Adrien Broner kahapon sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Pinaboran nina judges Tim Cheatham, Patricia Morse Jarman at Ricardo Ocasio si Kambosos (16-0-0, 9 KOs) sa mga ibi-nigay na magkakatulad na 80-72 points sa scorecards.

Ang 25-anyos na tubong Sydney ang tumulong kay Pacquiao para paghandaan si Broner sa pagiging sparmate ng Filipino world eight-division champion.

Ginamit ni Kambosos ang kanyang hand speed at mabigat na right hand para talunin ang 28-anyos na si Perez (24-11-0, 8 KOs).

Nakasingit lamang si Perez ng isang right hook kay Kambosos sa pagtatapos ng second round na nagpauga sa Australian fighter.

Maraming straight right hands ang naikonekta ni Kambosos kay Perez bukod pa ang ilang right uppercuts.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with