Alab sasagupa sa Vampire ngayon
Francisco Cagape (Pang-masa) - January 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahan ang mu­ling pagragasa ng San Miguel-Alab Pilipinas sa kanilang pagharap sa Mono Vampire Thailand sa 9th ASEAN Basketball League (ABL) sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex sa Sta. Rosa, Laguna.

 

Ito pa ang unang pag­tatagpo ng Alab Pi­lipinas at Mono Vampire matapos ang kanilang best-of-five title series noong nakaraang taon kung saan nagwagi ang Pinoy team, 3-2.

Haharapin ng Alab P­ilipinas ang Thailand team ngayong alas-8 ng gabi.

Malakas ang tiwala ng tropa ni coach Jimmy Alapag dahil sa kanilang 106-99 panalo kontra sa Macau Black Bears, 106-99, noong Biyernes sa FilOil Flying V Center sa San Juan City para manatili sa solo top spot sa 7-2 kartada.

Ang Mono Vampire naman ay galing sa 86-94 pagkatalo sa Westports Malaysia Dragons noong Miyerkules kaya bumagsak sila sa pang-siyam na puwesto sa 2-9 baraha kaya gusto ni­lang bumangon mula sa ilalim ng standing.

Wala pang talo ang tropa ni Alapag sa anim na laro sa home court.

SAN MIGUEL-ALAB PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with