Si Victolero ang Coach of the Year
(Pang-masa) - January 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hihirangin ng PBA Press Corps ang bagong Coach of the Year winner sa 25th anniversary presentation ng kanilang Annual Awards Night bukas sa Novotel Mani­la Araneta Center.

 

Si Chito Victolero ng Magnolia Pambansang Manok ang tatanggap ng nasabing Virgilio ‘Ba­by’ Dalupan trophy mu­la sa grupo ng mga sportswriters na regular na nagkokober ng PBA beat matapos akayin ang Hotshots sa korona ng season-ending Go­vernor’s Cup.

Tinalo ng 43-anyos na si Victolero ng Sta. Ma­ria, Bulacan sina Barangay Ginebra coun­ter­part Tim Cone at San Miguel menor Leo Austria, nagwagi sa nasabing award sa nakaraang tatlong seasons, sa mahigpit na three-way fight para sa individual honor na magiging tampok sa special two-hour event na inihahandog ng Cignal TV.

Ang tatlong coaches ang nagwagi ng titulo sa nakaraang season, ngu­nit ang Magnolia ni Victolero ang pinakamahina.

CHITO VICTOLERO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with