Almazan ‘di pa makakalaro
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - January 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Matatagalan pa bago makabalik sa Rain or Shine ang sentro na si center Raymond Almazan.

 

Ito ay dahil sa natamo niyang sprained ankle injury ilang araw bago ang pagbabalik niya sana sa 2019 PBA Philippine Cup.

Ayon sa 6-foot-8 na si Almazan, natapakan niya ang paa ng kakamping si Norbert Torres sa ensayo nila noong Martes kaya hindi siya nakalaro para sa ko­ponan kontra sa NLEX kamakalawa ng sabi sa Cu­neta Astrodome sa Pasay City.

Inamin ni Almazan na hindi malala ang kanyang injury ayon sa kanyang magnetic resonance imaging (MRI) test subalit nakakaramdam pa rin siya ng sakit kaya’t hindi pa alam kung kailan siya makakabalik.

“Hindi naman sya ganoon kalala,” wika ni Almazan. “Pero mahirap pa rin magsalita eh, kasi sabi nga ng PT ko na kahit wala namang lumabas sa MRI, kapag naglalaro ako masakit pa rin.”

Magugunitang ito sana ang unang paglalaro ni Almazan sa loob ng tatlong buwan mula nang mag-AWOL sa Rain or Shine sa kasagsagan ng 2018 PBA Governors’ Cup noong Oktubre.

Sa kabutihang palad, kahit wala si Almazan ay nanaig pa rin ang Elasto Painters laban sa Road Warriors, 96-87.

RAYMOND ALMAZAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with