Meralco lusot sa Blackwater
Russell Cadayona (Pang-masa) - January 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa mahalagang baha­gi ng laro ay maaasahan pa rin si veteran forward Ranidel De Ocampo.

 

Kumonekta si De Ocampo ng krusyal na three-point shot, habang nakumpleto ni Nico Salva ang dalawa niyang free throws sa dulo ng final canto para tulungan ang Meralco na matakasan ang Blackwater, 99-94, sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Tumapos ang 6-foot-5 na si De Ocampo na may 6 points para sa Bolts, na­kabangon mula sa 92-93 overtime loss sa Phoenix Fuel Masters noong Miyerkules.

Pinamunuan ni No. 5 overall pick Trevis Jackson ang Meralco mula sa kanyang 18 points kasunod ang 15, 14, 13, 12 at 10 points nina Mike Tolomia, Salva, Baser Amer, Cliff Hodge at Reynel Hugnatan, ayon sa pag­ka­kasunod.

“No matter happens you’ve got to stay ready,” sabi ni Jackson. “I want to say thank you to my teammates specially to Ni­co (Salva) for making big shots.”

Ang triple ni De Ocampo at dalawang cha­rities ni Salva ang nag­bigay sa Bolts ng 96-88 abante sa huling 1:19 minuto ng fourth quarter.

Nailapit naman ng Elite ang laro sa 94-96 mu­la kina Reymar Jose, Allein Maliksi at Roi Su­mang sa natitirang 12.3 segundo.

Tuluyan nang nasel­yuhan ang panalo ng Me­ralco matapos isalpak ni­na Amer at Jackson ang tatlong dikit na free throws.

Pinamunuan naman ni Malik­si ang Blackwater mula sa kanyang 17 points.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with